Tuesday, November 11, 2008

hindi alintana

Nagkukubli sa isang sulok na hindi abot ng iyong tingin,
mangyaring ang mga tula ko’y ayaw mong tangkilikin.
sa dahilang ayaw mong malungkot pagka’t ika’y masayahin.
Mga linyang ikaw ang inspirasyon, di mo pinapansin.

Dahil sa tayo’y magkalayo, marahan mo akong nililisan.
Unti-unting namamaalam, at naghahanap ng mga bagong kaibigan.
Mga pangyayari’y tila itinakda at hindi maiiwasan.
Nilalasap ang bawat sandali, bago mo ako tuluyang talikdan.

Ngunit bakit pa rin ako narito’t umaasa?
Gayong batid kong may nahanap ka nang iba?
Mga kilos at galaw mo’y pinagsasawalang-bahala.
Nililinlang ang sarili, “Ako’y mahal mo pa…”

Sugatan kong puso’y utak ang umalalay,
Isinalin sa salita ang mga hinanakit na taglay.
Sumulat ng mga talata at tulang pasalaysay.
Sayang, ‘di mo nababasa ang mga tulang iyong binigyang-buhay.

Para maunawaan sinubukan kitang ikumpara-
o ihalintulad sa mga bagay na sa aki’y mahalaga.
Susulat sana ng isa pang tula, ngunit sapat na ang isang linya.

"Mas kailangan kita kaysa sa susunod kong hininga..."

2 comments:

ayzprincess said...

you do know that the person who holds your heart (to borrow from "enchanted") is very lucky..

so kung sino man sya, you should both take care of each other :D

and oh! you're a very talented writer! :D idol!!

CaLoi said...

wow, ang sweet naman, that means a lot, i just wish that more people would realize that...ahaha! joke! and thanks for the compliments and comments. i do appreciate them. and they inspire me to write some more.