Thursday, November 20, 2008

isla

Kasabay ng pagkupas ng mga litrato natin,
Dahan-dahan kang pumanaw sa aking paningin.
Mga pangarap na binuo’y tila palasyong buhangin,
at mga salitang nasambit, pinipilit bawiin.
Mga bakas nating iniwan sa dalampasigan.
Bote ng alak na pinagsaluhan.
Ang munting dampa na tinuluyan,
Tanging ang isla na lamang ang naiwan.
Subalit heto ako’t naglalayag,
Sinusumpang naririnig kang tumatawag.
Nawalan ng puwang sa puso ang pagkabagabag,
itatayong muli ang munting dampang nabuwag.
Alam na walang daratnan, ngunit nagpapakabulag.
Hindi alintana ang iyong pagtiwalag.
Batid namang ang isla’y hindi natinag,
Sa hagupit ng bagyo’t unos, pinilit maging matatag.
Nang makarating sa isla’y, napuno ng pag-asa,
Pagka’t mga litratong kupas, nabuhay sa alaala.
Nakatayo pa rin ang munting dampa,
At ang bote ng alak, selyo lang ang nawala.
Kung paano natin nilisan ang isla noon,
at pinagdaanan man sya ng mahabang panahon.
Ang sayang dinulot nito’y nararamdaman magpa-hanggang ngayon.
Naririnig ang iyong tinig, tuwing humahampas ang alon.
Ano man ang iyong marating, saan ka man mapunta.
Munti nating paraiso’y hindi mawawala.
Kung dumating ang panahong nais mo nang mamahinga,
Bumalik ka sa isla-


…hinihintay kita.

4 comments:

ayzprincess said...

hmmm.. ang lungkot naman na naghihintay ka pa rin sa kanya.. pero siguro ganun talaga, kapag mahal mo, kahit na it seems that the the whole universe is telling you that you will never have that person back, in the back of your head, you're still hoping na, someday.. somehow.. babalik pa rin sya, na magkakasama pa rin kayo..

shet.. parang tinamaan ako ng onti. :D

CaLoi said...

yeah i think i hit a soft spot in you right there ayz...but i guess that's the way it's supposed to be. you can always settle for what you have in your reach but, as a human, you always want something you know you can't have.

ayzprincess said...

hmm.. i think its a bit far fetch to say "something i cant have.." pwede naman kasing i can get it, but i just cant have it right now..

or you can look at it from a different angle, something that i had.

i remember my naive days when id always say that i would give my future for another day in the past. hahaha.. funny now that i outgrew that phase.. err.. di pala outgrew.. more of gotten used to it.. ahihih..

nagkwento na?! :D

tagal ng bagong update :P

CaLoi said...

ayan, nag-update na, huwaw, parang mabigat din yata ang pinagdaanan mo ayz, but hey, we're still here!