Thursday, December 18, 2008

KSP

narito ako sa 'yong tabi,
at abot kamay kita.
hindi naman tayo naguusap
parang hindi din magkasama

katawan mo ma'y nandito
ang diwa ay nawawala
naroon sa malayo
hindi ako alintana

ayus lang...kahit papano magkasama
yun nga lang walang napapala
anino lang akong nakasunod
pinagsasawalang-bahala.

kasalanan ko din siguro
di ako katulad ng iyong barkada
kaya ka hindi interesado
at mas gusto mong kausap sila

ayoko naman magbago,
sadyang pinanganak akong ganito
tahimik at walang kibo,
diba't yun ang nagustuhan mo?

pero kung anong tikom ng bibig
syang daldal ng isip
habang nakatingin sa sahig
sinusulat ang aking tinig

hanggang kelan ba ganito?
kelan ako magsasawa?
kapiling ka man ngayon
ito pari't nangungulila.

2 comments:

ayzprincess said...

nasa sayo yan kung hanggang kelan ka ganyan..

wala na ko masabe.. babalik ako.. wag ngaun, wala pang tulog e :D

-ayz-

CaLoi said...

sleep tyt...