Saturday, February 21, 2009

paningin...

imahe mo sa aking balintataw,
pinaka-iingatan ng mga talukap.
sa pagnanasang ika'y matanaw,
antok ang taning pangarap.

pagka't sa tulog lang naaaninag,
ang hubog ng iyong katawan.
mga mata mo'y animong mga tala,
na tinitingala sa kawalan.

sa tuwing ako'y nahihimbing,
para na ring ika'y kapiling.
hindi alintana ang dilim,
hangga't naaaninag ka ng paningin.

nananalangin ng taimtim,
sana kita'y mapanaginipan.
wag po sanang mabibitin,
pekeng katotohana'y pahintulutan.

No comments: